PINAGBIGYAN | Pangulong Duterte, binisita ang isang branch ng sikat na Filipino fast food chain sa Hong Kong

Hong Kong – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Filipino fast-food chain sa Whampoa, Hung Hom, Hong Kong.

Kasama ng Pangulo na kumain doon ang kaniyang partner na si Honeylet AvanceƱa, mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Kitty at ang apo na si Stingray.

Dito ay nakipag-selfie ang Pangulo sa mga Pinoy na nandoon.


Nagkaroon naman nagpagkakataon ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Alma Pardillo na masabi sa Pangulo ang kahilingan nitong makauwi sa Pilipinas para makita ang kaniyang mga anak.

Agad namang pinagbigyan ng Pangulo ang hiling nito kung saan binigyan siya ng roundtrip tickets para sa dalawang linggong bakasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments