Pinakamataas na public trust rating ng AFP at PNP, nakakuha noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino

179

Manila, Philippines – Nakuha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pinakamataas na public trust rating noong administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay base sa resulta ng First Quarter 2016 Social Weather Survey na isinagawa mula March 30 hanggang April 2, 2016.

Sakop ng survey ang net trust ratings ng AFP at PNP mula September 1988 hanggang April 2016 kung saan pinakamababa noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.


Nabatid na 75 porsyento ng mga Pilipino ang mataas ang tiwala sa AFP noong unang quarter ng 2016 habang siyam na porsyento lamang ang mababa ang tiwala sa kanila.

69 porsyento naman na mataas ang tiwala sa PNP, habang 14 porsyento lang ang mababa ang tiwala.

Kahit noong nakaraang taon pa isinagawa ang naturang survey, inilabas ng SWS ang resulta nito lamang Biyernes, June 23, 2017.



Facebook Comments