Pinakamayamang negosyante na mga Zobel de Ayala, nagpahayag ng buong suporta kay PRRD

Tinanggap ng magkapatid na Zobel de Ayala ang paghingi ng paumanhin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang joint statement, pinasalamatan nina Jaime at Fernando Zobel de Ayala ang Pangulong Duterte sa pagkilala sa suportang ibinigay ng Ayala Group sa pagharap sa COVID-19.

Ayon sa magkapatid, kaisa nila si Pangulong Duterte sa paniniwalang kailangan ng matibay na pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sektor sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.


Gayundin sa patuloy na paglikha ng trabaho at pagpapabuti ng buhay ng bawat Pilipino.

Nangako ang dalawang pinakamayamang negosyante sa bansa na patuloy silang magiging tapat at susuporta sa buong pamahalaan hanggang tuluyang malalampasan ng bansa ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments