Manila, Philippines – Wala nang balakid sa pagtakbo ni dating Makati Mayor Junjun Binay bilang alkalde ng lungsod matapos sabihin ng Commission on Elections (Comelec) na ang kasong nakasampa laban sa kanya ay hindi pa pinal at kasalukuyang inaapela.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez kapag nakaapela ang kaso o hindi pa pinal ang desisyon nangangahulugang hindi ito kasama sa mga batayan para sa kanyang diskwalipikasyon.
Kinumpirma naman ng abogado ni Binay na si Atty. JM Mendoza na hindi pa final and executory ang kaso ng kanyang kliyente at hindi ito maaaring gamiting batayan upang pagbawalan ang dating alkalde ng Makati na bumalik sa pwesto dahil tanging ang final and executory judgment lamang na may kaukulang penalty na “disqualification from holding public office” ang maaaring magdiskwalipika sa isang tao na kumandidato para sa isang pampublikong katungkulan sa ilalim ng Local Government Code.
Matatandaang nadadawit ang dating alkalde sa anomalya hinggil sa konstruksyon ng P1.3-B Makati Science High School building.