Pinoy coach na nagpositibo sa COVID-19 sa Tokyo Olympics, nakatakda nang umuwi ng Pilipinas

47

Nakatakda nang umuwi ng Pilipinas ang Pinoy coach mula sa Philippine Olympic Committee (POC) matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Chef de Mission to Tokyo Olympics Mariano Araneta, nagpositibo sa saliva test ang coach habang negatibo naman sa mga PCR tests.


Bagama’t hindi naman pinangalanan, nasa isolation facility na ito upang hindi makahawa sa iba pang coach na kinatawan ng bansa.

Samantala, magsasagawa na ng contact tracing ang Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) sa mga nakasalamuha ng nasabing coach.

Facebook Comments