HK $2,000 ang parusang pinataw ng korte sa Hong Kong laban sa 24-anyos na Pinoy na residente doon.
Ito ay matapos na mahulihan ng marijuana ang Pinoy waiter habang siya ay naka-lunch break sa trabaho.
Nabatid na nagpapatrulya ang mga pulis nang makitaan ang Pinoy na may hawak ng nakasinding “hand-rolled” na sigarilyo na may laman na cannabis o marijuana.
Inamin naman ng Pinoy sa korte na marijuana ang laman ng nakarolyo niyang sigarilyo.
Nakatulong naman sa Pinoy ang paghahain nito ng guilty plea kaya napababa ang hatol sa kanya.
Lumalabas din na maayos ang record ng naturang Pilipino sa ilang taon niyang paninirahan sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya.
Facebook Comments