PINSALA | Iniwang pinsala ng bagyong Henry, Inday at bagyong Josie umakyat sa mahigit P817-M

Umabot sa mahigit walong daan at labing pitong milyong piso ang pinsalang dulot ng bagyong Henry, Inday at Josie.

Ito ay batay sa ginawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa datos ng NDRRMC aabot sa 455 milyon at 800 thousand ang nasira sa mga pananim habang mahigit 361 milyong piso ay nasira sa sektor ng imprastraktura.


Na-monitor ang mga pinsalang ito sa mga regions 1,2,3, CALABARZON, MIMAROPA, 6 at CAR.

Umabot na rin sa mahigit 250 libong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Henry, Inday at Josie, 106 thousand pamilya dito ay inilikas at ngayon ay nasa mga evacuation centers at kanilang mga kamag anak.

Facebook Comments