Pinsala sa ekonomiya, hindi mababaligtad kapag nagdeklara pa ng lockdown – Duterte

71

Nangangamba si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magkaroon ng ‘irreversible’ o hindi mabaligtad na pinsala sa ekonomiya ng bansa kapag nagpatupad pa ng mahigpit na lockdown bunsod ng pandemya.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ibinabala ng pangulo na magkakaroon ng matiding impact ang lockdown sa ating ekonomiya.


Sa halip, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat palakasin ang pandemic response at pabilisin ang pagbabakuna na ‘best solution’ para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Ang government pandemic task force ay dapat maghanda ng ‘clear’, ‘precise’, at ‘uniform’ protocols at guidelines kasabay ng pagdami ng mga Pilipinong nais magpabakuna at unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Aminado si Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay isa sa fastest-growing economies sa Asya hanggang sa nagkaroon ng pandemya noong nakaraang taon.

Nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng magdasal para magwakas na ang health emergency.



Facebook Comments