Pinuno ng CVMC, Naaalarma sa Patuloy na Pagdami ng COVID-19 Cases

Cauayan City, Isabela- Nababahala ang hepe ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dahil sa walang tigil na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa ospital.

Una nang sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, CVMC Chief na puno na ang Covid ward ng ospital dahil sa dami ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus.

Dahil dito, muli itong nanawagan sa publiko na makipagtulungan para maibaba ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit.


Naniniwala ang hepe na kung sumusunod sa minimum health standard ang publiko ay tiyak na mababawasan ang bilang ng mga magpopositibo.

Subalit kung mayroon pa rin aniyang mga taong matitigas ang ulo at pasaway ay magpapatuloy lamang ang pagdami ng kaso.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,278 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Rehiyon dos.

Facebook Comments