PIRMADO NA | Department order na pormal na nagtatanggal ng total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, pinirmahan na

14

Manila, Philippines – Pinirmahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang department order na opisyal na nagtatanggal ng total deployment ban ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.

Ayon kay Bello, maari nang magpadala at makapagtrabaho sa Kuwait ng mga Pinoy skilled workers, professionals, maging ang household service workers.

Aniya, ‘effective immediately’ ang kautusan.

Aminado ang kalihim na inirekomenda lamang niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang partial lifting.

Pero nakita ng Pangulo ang sinseridad ng Kuwait government.

Nabatid na pinirmahan na ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduang magbibigay proteksyon sa mga OFW.

Facebook Comments