Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na pito pang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang nagpositibo sa COVID-19 sa pinakahuling random antigen testing na isinagawa ng pamunuan ng rail line kahapon.
Ayon sa DOTr kabilang ang mga nagpositibong pasahero sa kabuuang 96 na nagbulontaryo na sumailalim sa antigen test bago sumakay ng tren.
Noong Biyernes, may dalawa ding pasahero mula sa kabuuang 96 na nagpa-test ang nag postibo sa virus.
Paliwanag ng pamunuan ng MRT3, lahat ng nagpositibo sa antigen test ay hindi na pinapayagang sumakay ng tren at pinapauwi na lamang para mag self-isolate at home quarantine.
Pinapayuhan din ang mga ito na makipag-ugnayan sa kanilang local government units para sa rt-pcr confirmatory test.
Facebook Comments