DepEd, tinututukan na ang isyu ng unauthorized withdrawal sa Landbank

56

Inihayag ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng kanilang online article na maraming mga guro o teacher umano ay may mga usapin sa Landbank’s Online Banking feature kaugnay sa isyu ng hindi otorisadong withdrawal.

Ayon sa DepEd Central Office bagama’t hindi pa nila natanggap ang anumang formal incident reports ay kasalukuyan naman nilang bina- validate ang naturang reklamo sa mga field offices.

Paliwanag pa ng DepEd na tinitiyak umano ng Landbank na ang kaso ng unauthorized withdrawals ay tinututukan na ng husto ng ahensiya.


Ikinatuwa naman ng DepEd sa ginawang malasakit ng maraming empleyado na ipinaalam sa kanilang nasasakupang Divisions, at ipinaabot ang naturamg isyu sa pinakamalapit na Landbank branch.

Facebook Comments