Planong Pagpapatayo ng Bagong Munisipyo ng Lungsod ng Cauayan, Tinututukan na!

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang pagproseso ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan para sa pagpapatayo at paglalagay nito ng iba’t-ibang tanggapan ng LGU’s sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, kabilang ito sa masterplan ng Lungsod ng Cauayan na magpatayo ng mga bagong opisina sa nasabing barangay sa pakikipagtulungan na rin umano ng San Miguel Corporation (SMC).

Aniya, magbibigay umano ang San Miguel Corporation ng limampung ektarya ng lupa bilang donasyon para sa planong pagpapatayo ng bagong munisipyo ng Cauayan at nahingian rin umano ng alkalde ng isangdaang ektarya ng lupa ang SMC para sa Isabela State University Cauayan Campus.


Kaugnay nito, ay nais rin umano ng San Miguel Corporation na makatulong sa pagtaas ng Capital ng Lungsod ng Cauayan sa pamamagitan ng kanilang pagpapatayo ng Integrated farm sa barangay San Luis.

Samantala, isa rin umano sa tinututukan ng Pamahalaang Panlungsod ay ang pagsasaayos sa Alicaocao Bridge dahil mayroon na umanong pondo ang City Government katuwang ang DPWH upang maayos na ang Alicaocao Bridge dito sa ating Lungsod na kadalasang naabot ng baha.

Facebook Comments