Plantasyon ng Marijuana, Nadiskubre sa Mountain Province

Cauayan City, Isabela- Sabay na sinira ng pinagsanib na pwersa ng 54th Infantry (Magilas) Battalion, Sagada MPS/PNP, Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA- CAR ang nasa 60 sukat na taniman ng marijuana sa Brgy. Fidelisan, Sagada, Mountain Province.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ng mga awtoridad na may 230 punla ng ‘fully grown marijuana’ na tinatayang nagkakahalaga ng P92,000.

Hindi naman nadakip ang mga suspek na nasa likod ng marijuana plantation subalit laking pasasalamat pa rin ng mga operatiba sa mga residente sa lugar sa pagkakadiskubre ng nasabing ipinagbabawal na gamot.


Pinuri naman ni MGen. Pablo M Lorenzo, Commander, 5th Infantry (STAR) Division ang matagumpay na pinagsanib-pwersa ng mga kasundaluhan at mga kapulisan sa tulong at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments