PLASTIC COVER, GINAMIT NA PROTEKSYON KONTRA COVID-19

CALASIAO, PANGASINAN – Kasabay sa pag-babalik ng tricycle bilang transportasiyon sa bayan ng Calasiao, dinaan sa diskarte ng mga ilang drivers ang pag-sunod sa minimum health measures na itinakda ng IATF-EID. Sa katunayan gumamit sila ng plastic cover na karaniwang pantakip lamang ng libro o notebook bilang proteksiyon nila at ng kanilang pasahero kontra COVID-19.

Bukod dito ay sinusunod nila ang pag-sasakay lamang ng isang pasahero na dapat ay nakasuot din ng facemask. Mapapansin na ang hakbang na ito ay parehong sinusunod ng mga parehong pribado at pampublikong tricycle. Ang ganitong diskarte sa panahon ng pandemya ay panalo talaga, kasi safe ka na, naka tipid ka pa.

Facebook Comments