PNP Anti-Cybercrime Group, iniimbestigahan na ang umano’y napaulat na malawakang data breach

Inatasan na ni Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., para imbestigahan ang umano’y malawakang data breach.

Kasunod na rin ito ng ulat ng isang cybersecurity website na nag-leak umano ang may 1.2 milyong datos o 817.54 gigabytes na personal information mula sa mga aplikante at empleyado ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Special Action Force (SAF).

Ayon kay Azurin, nais niyang alamin kung ano ang ugat ng nasabing data breach at kung ano ang agarang remedyo na maaari nilang gawin hinggil dito.


Aniya, tiwala siyang makapaglalabas ng ulat ang PNP-ACG sa lalong madaling panahon at makakagawa ng agarang hakbang upang hindi na ito maulit sa hinaharap.

Kabilang sa massive data hack na sumambulat ay ang fingerprint scans, birth certificates, tax identification numbers (TIN), tax filing records, academic transcripts, at pasaporte ng mga biktima.

Facebook Comments