MANILA – Ikinabahala ng European Union ang panunumbalik ng ecstasy bilang popular na droga lalo sa mga kabataan hindi lang sa europa kundi sa buong mundo.Ayon sa European Monitoring Centre for Drugs, mas naging laganap ang paggamit ng ecstasy dahil sa online sales kaya nanumbalik ito sa makabagong henerasyon.Nangangamba rin ang EU na kasabay ng pagdami ng mga netizen ay darami rin ang gagamit ng mga iligal na droga kung saan hindi lang ecstasy ang mabibili online.Samantala, nananatiling pinaka-mabentang droga ang marijuana na may annual sales na 10.3 billion dollars.Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng PNP- Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) Deputy Director Senior Supt. Leonardo Suan ang maigting na mga plano ni President-Elect Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.Una nang nasabat ng operatiba ng PNP-AIDG ang nasa P1.1 bilyong halaga ng likidong shabu sa Angeles City, Pampanga.
Pnp-Anti Illegal Drugs Group, Ikinatuwa Ang Maigting Na Kampanya Ni President Elect Rodrigo Duterte Laban Sa Iligal Na D
Facebook Comments