PNP, bumuo ng Special Investigation Task Group na tututok sa imbestigasyon ng pagbagsak ng PNP helicopter sa Quezon

May binuong Special Investigation Task Group (CITG) ang Philippine National Police (PNP) na tututok sa imbestigasyon ng pagbagsak ng isa sa mga Airbus police helicopter sa Real Quezon.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, binubuo ng ilang units ng PNP ang binuong task group at isa sa kanilang aalamin ay kung masama ang panahon sa Real Quezon kahapon nang magsahimpapawid ang PNP helicopter.

Kaugnay nito, agad namang nakausap ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang 2 nasugatan sa pagbagsak at tiniyak na makakatangap ng ayudad mula sa PNP.


Maging ang pamilya nang nasawing pulis ay nakausap na rin ni PNP Chief.

Sa pagbasak isa ang nasawing pulis habang 2 ang sugatan.

Facebook Comments