PNP Chief Bato Dela Rosa, binantaan ng ultimatum ang mga SAF na nagbabantay sa New Bilibid Prison oras na mapatunayang dawit sa kalakaran ng bato sa Munti

Manila, Philippines – Personal na binisita ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang sitwasyon ng special action force na nagbabantay sa New Bilibid Prison.

Kasunod na rin ito ng ibinulgar ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na muli na namang lumaganap ang droga sa bilibid kung saan sangkot ang ilang miyembro ng SAF.

Kasama ni Dela Rosa si Directorate for Intelligence Police Dir. Gregorio Pimentel na mangunguna sa gagawing malalimang counter intelligence investigation sa naturang alegasyon.


Ayon kay Bato – bagamat nasasaktan sila, hindi niya ito kokonsintihin lalo na’t ang pnp ang inaasahan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa laban kontra droga.

Binigyan diin ni Dela Rosa na handa siyang samahan ang mga SAF troopers sa kulungan kung sila ay matino, pero kung mapapatunayan na gumawa sila ng kalokohan ay siya mismo ang magpapakulong sa mga ito.

Nabatid na sa loob ng isang taong pagbabantay ng PNP-SAF sa maximum compound at building 14 ng NBP, dalawang beses pa lang sila napalitan sa kanilang pwestong binabantayan.

Facebook Comments