PNP Chief Dela Rosa, dinepensahan ang SAF sa pagkakadawit sa pagbabalik ng illegal drug trade sa NBP

Manila, Philippines – Dinepensahan ni PNP chief Ronald Dela Rosa ang Special Action Force sa pagkakadawit sa muling paninumbalik ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Pinalakas ni General Bato Dela Rosa ang loob ng SAF members.

Hindi aniya pangkaraniwan ang binabangga nila dahil ang nawawasak nila ay ang multibillion na drug trade ng sindikato.


Lumilitaw na halo-halo na sa iba ibang selda ang may 54 na drug lords.

Pinagbabantay lamang ang SAF sa Building 14 at maximum security compound.

Gayong ang mga high profile drug lords ay nakalagay sa Medium security compound tulad ni Peter Co na pinakamalaming drug lord at sa iba pang selda.

Sinabi ni Bato na hindi sila bigo sa tungkulin nila sa NBP.

Facebook Comments