*Province of Isabela* – Kinumpirma ng Pambansang Pulisya na mahaharap sa kasong administratibo ang limang pulis na kaugnay sa nangyaring insidente matapos dis-aramahan ng ilang miyembro ng New People’s Army sa inilatag na Checkpoint noong Hulyo 5, 2019 sa Sitio Lagis, Sindon Bayabo, Ilagan City, Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P./Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP Headquarters sa Camp Crame na kakaharapin ng nasabing mga pulis ang kasong administratibo at kailangan umanong bayaran ang baril na nakuha sa mga ito ng rebeldeng grupo.
Maliban dito, nahaharap din sa parehong kaso ang dalawang hepe ng PNP Cauayan City at Cordon dahil labag ito sa internal procedure ng pulisya at napag alaman din umano na ang ilang PNP personnel mula sa Cauayan City at Cordon na pawang naroon nang mangyari ang insidente dahil hindi ito saklaw ng kanilang hurisdiksiyon kung kaya’t agad na sinabak sa puwesto ang nasabing mga hepe.
Inaalam pa sa ngayon kung may katotohanan na ang mga nasabing PNP personnel ay nakatalaga sa ilang pulitiko at sakaling mapatunayan ay mahaharap ito sa administrative sanction.
Paglilinaw pa ni P/Col. Banac na hindi otorisado ang mga Provincial Director at Hepe ng pulisya sa bawat istasyon na magtalaga ng mga security detail sa ilang mga pulitiko.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PRO-2 kaugnay sa nangyaring insidente.