PNP, iniimbestigahan na ang pagkakadawit ng ilan nilang opisyal sa ilegal na droga

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakasangkot ng ilang mga opisyal sa pakakasabat ng 990 kilo na shabu sa Maynila nitong October 8.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., may mga pangalan na silang nakuha na iniuugnay sa kalakaran ng iligal na droga at isa rito ito ay heneral.

Samantala, tumanggi munang pangalanan ni Azurin ang heneral dahil wala pang ebidensya na makapagdidiin dito.


Gayunpaman, sinabi nitong nasa “floating status” na ang heneral.

Kaugnay nito, may 2 din silang pulis na pinaiimbestigahan.

‘Di umano nangupit kasi ang mga ito ng 42 kilos ng shabu sa nakumpiskang 990 kilos na shabu na sana ay ire-recycle.

Matatandang sa pagkakasabat ng PNP ng 990 kilo ng shabu na na halagang ₱6.7 billion, naaresto si Police MSgt. Rodolfo Mayo Jr., na aktibong intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group.

Facebook Comments