Isa pang middleman sa Percy Lapid case, may mga ibinulgar na sa mga awtoridad

Mayroong mga ibinunyag ang isa pang sinasabing middleman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., malaking tulong ang mga impormasyong isiniwalat ni Jose Villamor ang pinsan nang namatay na unang middleman sa kaso na si Jun Globa Villamor.

Sa ngayon ani Azurin ay pinagtatagpi-tagpi nila ang mga isinalaysay ni Jose Villamor upang matukoy ang totoong mastermind sa krimen.


Kasunod nito, sinabi ng PNP chief na hindi muna nila ito maaaring isiwalat sa publiko lalo pa’t nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa ngayon, nasa kostodiya ito ng PNP at tiniyak ni Azurin na si Jose Villamor ay secured at ligtas.

Una nang sinabi ng PNP na solido pa rin ang kaso laban sa mga nasa likod sa pamamaslang kay Lapid ito’y kahit namatay na ang isa sa mga itinuturong middleman sa kaso.

Facebook Comments