PNP itutuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang totoong alyas bikoy

Sa kabila na may lumutang na at may nagpakilalang alyas Bikoy sa katauhan ng isang Peter Joemel Advincula.

 

Hindi pa rin titigil ang Philippine National Police sa pagiimbestiga at pagtukoy sa totoong pagkakalinlan ni Alyas Bikoy.

 

Si alyas Bikoy ay ang nasa likod ng mga  kumakalat video na kung saan isinasangkot ang pamilya duterte sa illegal drug transactions sa bansa.


 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac magandang hakbang ang ginawang paglutang ni advincula kung talagang sya si Alyas Bikoy.

 

Pero kailangan aniyang magpaliwanag ng husto si Advincula sa kanyang mga inihayag na mga impormasyon at tukuyin ang nasa likod nang kanyang mga hakban at kanyang totoong motibo.

 

Sinabi ni Banac kinakailangan may ebidensyang maipakita si Advincula para patunayang syang ang totoong si alyas bikoy.

 

Mas mainam ayon pa kay Banac kung  makipagugnayan si Advincula sa PNP o di kaya ay sa National Bureau of Investigation.

Facebook Comments