PNP, kumpiyansang malulutas ang pagkawala ng mga sabungero

Tiwala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na agad na mareresolba ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP Officer-in-Charge, Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia makaraang pormal nang maisampa ang kasong kidnapping at serious illegal detention ng PNP sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawa pang suspek.

Pinangalanan bilang respondents ang dalawang suspek na sina Julie Patidongan alyas Dondon na umano’y staff sa isang taniman sa Brgy. Palasan, Sta. Cruz, Laguna at isang John Doe.


Ang mga ito ay nakita sa “secret cellphone video” kung saan ine-eskortan nila ang isa sa mga nawawalang sabungero na si Michael Bautista.

Si Bautista ay nawala sa isang sabungan sa Santa Cruz, Laguna noong April 28, 2021.

Facebook Comments