PNP, mag-iinspeksyon ng mga pagawaan ng paputok sa Bulacan

Dahil sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon, magkakasa ang Philippine National Police (PNP) ng inspeksyon sa mga pagawaan ng paputok ngayong araw.

Pangungunahan ang inspeksyon ng PNP Civil Security Group at ng Firearms and Explosives Office o FEO.

Bago ang inspeksyon magkakaroon muna ng command visit sa Camp Olivas, Pampanga at saka tutulak sa Bocaue, Bulacan para sa nasabing firecracker manufacturer and dealer inspection.


Una nang sinabi ng PNP na nagsagawa sila ng refresher at orientation course sa mga negosyante ng paputok nitong nakalipas na buwan.

Sumentro ito sa mga dapat sundin sa itinatakda ng RA 7183 o ACT regulating the sale, manufacturing and distribution of firecrackers.

Layon nitong maiwasan ang anumang aksidente tulad ng nangyaring sunog sa pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan na ikinasugat ng walong indibidwal at ang pagkasunog din ng ilegal na pagawaan ng paputok sa Laguna kung saan nag-iwan ito ng 5 patay at ilang indibidwal din ang naitalang sugatan.

Facebook Comments