Ad Interim Appointment ni COA Chairman Gamaliel Cordoba, lusot na sa komite ng Commission on Appointments

Matapos mabinbin noong nakaraang linggo, nakalusot na sa committee level ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Commission on Audit (COA) Chairman Gamaliel Cordoba.

Dahil dito, plenary approval na lamang mamayang hapon ng CA ang hihintayin para tuluyang makumpirma ang appointment ni Cordoba.

Nagpahayag naman ng suporta para kay Cordoba ang lahat ng mga kasapi ng panel.


Kabilang sa mga nabusisi kay Cordoba ang update sa auditing ng 2020-2021 na procurement ng P3 billion COVID-19 vaccines na pinasok ng gobyerno sa isang non-disclosure agreement (NDA).

Kasama rin sa naitanong sa COA Chairman ang organizational structure ng commission, COA rulings observation, backlog cases, special audit sa Bureau of Corrections, at ilan sa mga isyung kinakaharap ng New Bilibid Prisons.

Facebook Comments