PNP Mallig, Makakatanggap ng Patrol Car at Bullet Vest!

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino na magkakaroon ng isang patrol car ang Mallig Police Station sa lalong madaling panahon.

Ito ay matapos mabatid sa naganap na pagpaslang kay Police Chief Inspector Michael Angelo TubaƱa na ginamit mismo sa mga operasyon ang sariling sasakyan at walang proteksyon sa katawan na sanhi ng agarang pagkasawi ng naturang hepe kamakailan.

Sinabi pa ni Police Regional Director Espino na makakatanggap din ng bullet vest ang PNP Mallig bilang proteksyon sa mga opisyal o personnel na mangunguna sa operasyon lalo na sa kampanya ng war on drugs.


Binigyan diin pa ni PRO2 Chief Superintendent Jose Espino na hindi maiiwasang manlaban ang mga target o suspek sa mga operasyon kung kayaā€™t kinakailangan din ang proteksyon ng mga pulis.

Ganunpaman niliwanag ng opisyal na hindi lahat ng pulis ay mabibigyan ng bullet vest kung saan nakaantabay lamang umano ito sa kanilang police station at gagamitin lamang sa mga importanteng operasyon.

Samantala, pangalawa ang Mallig Police Station na mabigyan ng patrol car dahil una nang nakatanggap ang Batanes Police Station kamakailan at parating narin ang bullet vest para sa iba pang yunit ng kapulisan dito sa rehiyon dos.

Facebook Comments