PNP, nagbabala kontra ipit gang

Ngayong kabi-kabila ang Christmas shopping.

Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa samu’t saring modus ng mga kawatan.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, talamak ngayon ang ipit gang.


Modus ng mga ito na ipitin ang kanilang biktima na hindi na magkanda-ugaga dahil sa dami ng kanilang mga pinamili o mga bitbit.

Ani Fajardo, para makaiwas sa ganitong uri ng modus ay dapat magsama ng kaibigan sa pamimili para may tagahawak o tagabantay ng inyong pinamili.

Maliban sa ipit gang, andyan din ang paglipana ng pekeng pera at palit pera.

Kasunod nito, patuloy ang paalala ng PNP sa publiko upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob.

Facebook Comments