PNP, nakapagtala ng 130 na mga bagong gumaling sa COVID-19

36

Umabot na sa 5,858 ang bilang ng mga pulis na gumaling dahil sa COVID-19.

Ito’y matapos na madagdagan kahapon ng 130 recoveries sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay pa sa huling ulat ng PNP Health Service, may 29 na bagong kaso ng COVID-19 sa PNP kaya umakyat na sa 6,527 ang kabuuang COVID-19 cases.

649 sa mga ito ay active cases habang sa 29 na bagong kaso, tig-walo ay naitala sa PNP Region 8 at PNP Region 3, anim sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tatlo sa PNP Region 11 at tig-iisa sa PNP Region 2, PNP Region 5, PNP Region 6 at PNP Region 13.

Good news naman dahil hindi nadagdagan ang bilang ng mga nasawing PNP Personnel dahil sa virus na ngayon ay umaabot na sa 20.

Facebook Comments