PNP, nakapagtala ng 132 na bagong kaso ng COVID-19

18

Umakyat na sa 25,653 ang nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police matapos madagdagan ng 132 na bagong kaso.

Nakarekober naman sa sakit ang 160 pulis kung kaya’t umabot na ang total recoveries sa 23,743.


Nananatili naman sa 70 ang mga nasawing pulis at patuloy na binabantayan ang 1,840 na aktibong kaso sa PNP.

Facebook Comments