Panawagan pa rin ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na umiwas sa online sabong.
Ito ay matapos na matuklasan na nag-o-operate pa rin ang ilang online sabong websites sa kabila ng utos ng pangulo na ipasara ito.
Apela ni PNP Directorate for Operations Director Police Major General Val De Leon, sa mga tumatangkilik sa e-sabong, huwag nang labagin ang batas.
Nalalagay lang kasi sa alanganin ang pera o sweldo ng mga tumataya na dapat sana ay para sa pamilya nila.
Bukod dito, mayroon ding “social cost” ang e-sabong at hindi maganda ang epekto nito para sa mga naaadik dito.
Samantala, siniguro naman ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na wala silang sisinuhin sa kampanya nila laban sa e-sabong.
Sa ngayon, patuloy ang kanilang case build up at pakikipag-ugnayan sa mga service provider upang maipasara ang mga online sabong website na posibleng abutin ng dalawang linggo.