Higit 500 bagong kaso ng COVID-19, nakikita ng isang eksperto sa mga lugar na mababa ang vaccination coverage

125

Kasunond nang naitalang local transmition ng Omicron sub lineage na BA.2.12.1 sa bansa.

Pinangangambahan ni Dr. Rontgene Solante isang Infectious Diseases Specialist na pumalo sa higit 500 ang new COVID-19 cases lalo na sa mga rehiyong nananatiling mababa ang vaccination coverage.

Ayon kay Solante, napatunayan namang mas nakahahawa ang nasabing subvariant na ito ng Omicron kung kaya’t importante aniya ang bakuna para sa karagdagang proteksyon.


Samantala, hindi naman nakikita ni Dr. Solante na maaapektuhan ang ating healthcare utilization rate sa inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Base sa pag-aaral mild lamang ang sintomas lalo na sa mga fully vaccinated at mayroon ng booster dose pero ang inaalala ng mga eksperto ay kapag tinamaam ang vulnerable population lalo’t wala silang bakuna ay mataas ang tyansa na mauwi ito sa severe case o pagkaka-ospital.

Facebook Comments