PNP Personnel na infected ng COVID-19 nadagdagan ng 15

24

May panibagong 15 mga Philippine National Police (PNP) personnel ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay ito sa datos ng PNP Health Service kaya naman umabot na sa kabuuang 9,159 ang COVID cases sa hanay ng PNP.


Ang 15 mga PNP personnel na naitalang positibo sa COVID, dalawa mula sa National Headquarters (NHQ), apat sa National Operation Support Unit, dalawa sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa Police Regional Office 1, dalawa sa PRO 4A, dalawa sa PRO 10 at isa sa PRO 13.

Samantala, good news naman dahil nadagdagan ng 20 ang mga gumaling na PNP Personnel sa COVID, kaya mayroon nang kabuuang 8,800 na recoveries sa PNP.

331 naman ang active cases at nanatili sa 28 ang PNP personnel na nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments