
Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang isasagawang nationwide transport strike sa March 19.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, nagbigay na ng direktiba si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa NCRPO para makipag-ugnayan sa mga transport organizations at lokal na pamahalaan para sa isasagawang transport strike.
Nabatid na una nang nagbigay ng anunsyo ang PISTON na magsasagawa ito ng transport strike sa nasabing araw.
Kung saan panawagan ng grupo na tanggalin ang excise tax at value added tax sa produktong langis at pagpako sa presyo ng krudo sa 55 pesos kada litro.
Facebook Comments










