PNP regional command, pinag-aaralan ang magkakasunod na pag-atake ng mga sparrow ng NPA sa mga awtoridad

Bicol Region – Iniimbestigahan ngayon ni police Regional Director Supt. Melvin Buenafe ang magkasunod na pag-atake ng mga sparrow ng New People’s Army o NPA sa dalawang kawani nito.

Ang isa ay ang pag-atake kagabi sa isang bayan sa Sorsogon kung saan pinaslang si PO1 Noel Philip at ang pangalawa ay si PO3 Ramil C. Gutay noong kamakalaw na pawang nasa kani-kanilang duty pa.

Kaugnay nito, inatasan ang mga awtoridad para tugisin ang mga naturang sparrow sa lugar.
DZXL558


Facebook Comments