Tatlong kawani ng LTFRB sa Bicol Region, sinibak sa pwesto

Bicol Region – Sinibak sa pwesto ng bagong LTFRB regional director ang tatlong kawani matapos magreklamo ang ilang operators ng mga bus at jeepneys.

Sa panayam ng DZXL Radyo Mo Nationwide sa LTFRB director ng Bicol Region, agad niyang binigyan ang mga naturang kawani ng termination order matapos itong umamin nang mag-face-to-face sa mga complainant.

Dahil sa pagkakasibak, wala ring makukuhang benepisyo ang mga ito alinsunod sa batas ng bansa.
DZXL558


Facebook Comments