PNP Santiago City, Pinaigting ang Pagbabantay ngayong Semana Santa

Cauayan City, Isabela- Pinaigting ng Santiago City Police Office Station 2 ang kanilang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupang mga lugar ngayong panahon ng Semana Santa partikular sa mga matataong lugar gaya sa mga pook pasyalan, mga resorts, mga ilog at mga entry point ng lungsod.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng random check up para sa mga papasok ng lungsod ng Santiago kung ang mga ito ay bakunado lalo na sa mga nakasakay sa mga pribadong mga sasakyan.

Para naman sa mga pasahero ng pampublikong mga sasakyan ay kinakailangan na magpakita sila ng kanilang vaccination card kahit pa sila ay galing sa mga karatig na mga bayan o lalawigan dito sa ating bansa.

Sa ngayon ay bihira palang ang mga dumarating na galing sa iba’t ibang mga lalawigan pero umaasa sila na ngayong gabi ay nagsidatingan ang mga ito para magbakasyon sa lungsod ng Santiago.

Inaasahan naman ng mga awtoridad na marami ang mga tao sa mga pook pasyalan gaya sa mga resort at ilog para mag picnic.

Hinimok naman ang publiko na sumunod pa rin sa umiiral na health protocol para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments