Iba’t ibat bus terminal, dinagsa ng mga pasahero 

72

Nasa 1,500 na ang pasahero na ang naitala sa Five Star Terminal sa EDSA Cubao.

Mahaba na rin ang pila sa North Star at Victory Liner bus terminals.

Ayon kay Araneta City Bus Terminal Manager Ramon Legazpi nasa 1500 ang mga pasahero na dumarating sa bus terminal kada araw.


Ito ay malayo sa bilang ng mga pasahero noong pre-pandemic na nasa 6,000 hanggang 8,000 kada araw.

Ani Legazpi, tuloy-tuloy ang magiging biyahe ng mga bus sa terminal ngayong Semana Santa.

Sa kasalukuyan, nasa limang bus companies ang bumibiyahe rito kabilang ang Philippine Rabit, RJ Express, Gold Star, Alps at HM Transport.



Facebook Comments