Kalibo, Aklan— Pansamantala munang isasara ng isang linggo ang Brgy. Poblacion Kalibo Brgy. Hall matapos magpositibo sa COVID- 19 ang isang Brgy. Tanod. Ayon kay Brgy. Kagawad Mark Sy na isasailalim sa disinfection at sanitation measures ang nasabing lugar kung saan hindi muna tatanggap ng transaksyon ang barangay sa loob ng isang linggo base narin sa utos ni Brgy. Kapitan Niel Candelario. Sumasailim rin umano ang mga staff at maging silang mga opsiyal sa quarantine bilang bahagi ng protocol. Palaisipan umano sa kanila kung paano nagkaroon ng virus ang lalaking tanod dahil wala naman ang mga itong nakasalamuha na COVID19 Positive. Nakaranas umano ng lagnat at pananakit ng tyan ang nasabing tanod noong nakaraang linggo kung saan nahirapan itong huminga noong October 10 dahilan para ito ay dalhin sa pagamutan at isinailalim sa RTPCR Test kinaumagahan. Matapos umanong lumabas ang positibong resulta ng test kahapon ay napagkasunduan ng konseho na pansamantala munang ihinto ang operasyon sa brgy. hall. Dahil walang mass testing naniniwala ang konsehal na maraming asymptomatic o walang simtomas ng nasabing sakit ang hindi natutukoy at patuloy na lumalabas at nakikipagsalamuha. Bagamat nahihirapan parin sa paghinga, mas mabuti na umano ang pakiramdam ng tanod kung ikukumpara noong nakaraang linggo. Dagdag pa ni Brgy. Kagawad Mark Sy na lahat silang Brgy. Official at staff ay maayos ang pakiramdam at walang simtomas ng sakit. Sa ngayon nakatakdang isailalim sa RTPCR test ang ilang staff at maging ilang opisyal ng barangay.
Poblacion Kalibo Brgy. Hall isasara ng isang linggo matapos magpositibo sa COVID 19 ang isang tanod, ilang Brgy. Officials at staff isasailalim sa swab test
Facebook Comments