Police Colonel na sangkot sa pag-aangkat ng AK-47 guns sa bansa, pina-iimbestigahan ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na imbestigahan sa Senado o barilin kung kinakailangan ang police official na sangkot sa pag-aangkat ng AK-47 guns sa bansa.

Sa kanyang Huling State of the Nation Address, inihayag ni Pangulong Duterte na isang police colonel ang nag-aangkat sa bansa ng imported na AK-47.

Ayon sa Pangulong Duterte, marami ang namatay dahil sa armas kaya kung makikita niya ang mga ito ay agad na barilin kahit pa kasuhan siya ng International Criminal Court (ICC).


Matatandaang minaliit lamang ni Duterte ang ebidensiyang nakalap ni dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda hinggil sa war on drugs sa Pilipinas.

Facebook Comments