Patay sa isang buy-bust operation ang isang 39-anyos na police galing sa Iriga City kahapon ng umaga.
Nangyari ang insidente sa bayan ng Nabua na katabi lamang ng Iriga City sa Camarines Sur.
Kinilala ang suspect na si Pat. Domingo Cabañes, Jr, edad 39 at residente ng Brgy. La Asuncion, Iriga City.
Ayon sa report, nagkaroon ng transaction tungkol sa illegal na droga ang poseur buyer at confidential agent ng pulisya sa suspect kung saan nabili mula sa kanya ang isang heat sealed transparent sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Nakatunog umano ang suspect na mga myembro ng otoridad ang kanyang ka-transaksyon kung kayat binunot nito ang kanyang baril at kaagad na pinaputukan ang mga police. Maliksi naming nakaiwas ang mga police at napilitang gumanti ng putok kung saan tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng suspect.
Sinikap pang dalahin ang sugatang suspect sa Tanchuing Hospital sa Iriga City pero deneklarang DOA ni Dr. Michael Peñones ang attending physician.
Narekober mula sa suspect ang isang 38 revolver at perang ginamit sa transaksyon.
Sa report ni Kasamang Miachael Boando ng Pasada Rinconada, May report ding nakarating sa DWNX na si Cabañes ay una nang nag-AWOL dahil sa involvement nito sa droga kung saan bumagsak siya sa mga isinagawang drug-test ng kanyang ahensiya. Binigyan pa umano siya ng pagkakataon na makabalik sa serbisyo at sa katunayan ay pabalik na sana ujmano sa PNP Regional Office upang mag-assume ng active status.
Sa kaugnay na balita, sinabi naman ni P/Col Felix Servita, Jr., ng Naga City Police Office na posibleng hindi na makukuha pa ng pamiulya ni Cabañes ang mga benepisyo nito bilang police dahil sa involvement nito sa illegal na gawain sa panahon ng kanyang pagkamatay.
Photo credit: Michael Biando/Pasada Rinconada