Police Regional Office 10, may bago nang regional director

Pormal nang umupo si Police Brigadier General Ricardo Layug Jr., bilang acting Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10 o Northern Mindanao.

Pinalitan ni Layug si Police Brigadier General Lawrence Coop.

Isinagawa ang turnover of command ceremony sa Camp Alagar sa Lapasan, Cagayan de Oro City sa pangunguna ni Area Police Command-Eastern Mindanao commander Police Lieutenant General Filmore Escobal.


Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Layug na magiging pundasyon ang mga magandang nagawa ni Coop at higit pang paghuhusayin ang kakayahan ng PRO 10 sa paglilingkod sa mga mamamayan.

Binigyang-diin din ni Layug ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Bago maitalaga sa pwesto, si Layug ay nagsilbi bilang director ng PNP Engineering Service at hepe ng PNP Aviation Security Unit sa National Capital Region (NCR).

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993.

Facebook Comments