MANILA – Isinapubliko ng Comelec ang walong major political parties at anim na local parties para sa eleksyon sa Mayo 9.Ayon sa resolution no. 10094, kabilang sa walong major political parties ay Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC)Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Kilusang Bagong Lipunan (KBL), laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Aksyon Demokratiko at National Unity Party (NUP).Ilan sa mga ginawang basehan ng Comelec sa pagtukoy ng major parties ang mga performance records ng mga partido sa mga nagdaang halalan at dami ng mga naka-upong opisyal.May karapatan ang mga nasabing major national parties na makuha ang ika-siyam hanggang ika-labinganim na kopya ng Election Returns (ERs) sa bawat presinto, pati na rin ng mga Certificates of Canvass (Cocs).Papayagan rin silang maglagay ng mga poll watchers sa mga presinto at canvassing centers sa halalan.
Political Parties Sa 2016 – Inilabas Ng Comelec
Facebook Comments