POLO sa Hong Kong, iniulat na wala pang employer doon ang nakasuhan dahil nag-terminate ng OFW na tinamaan ng COVID-19

Wala pang employer sa Hong Kong ang nahainan na ng reklamo ng Pilipinas dahil sa napaulat na pag-terminate ng mga ito sa kontrata ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) makaraang magpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Labor Office (POLO) Labor Attache Melchor Dizon na mayroon na silang tatlong employer na nakausap.

Nagdesiyon aniya ang mga ito na pabalikin na sa trabaho ang mga OFW.


Sinabi ng opisyal na patuloy pa nilang bini-beripika ang iba pang natatanggap na ulat ng kanilang tanggappan.

Napagalaman aniya ng kanilang hanay na 25 OFWs ang na-terminate sa trabaho bago pa man tamaan ng COVID-19 ang mga ito.

Sa kasalukuyan, pinu-proseso na mga OFW ang working permit para sa bagong employer.

Nasa pitong OFWs naman aniya ang natapos na ang kontrata sa kanilang emloyers.

Habang nasa 10 ang napaulat na mismong ang mga OFW ang nag-terminate ng kontrata bago sila magka-COVID-19, habang ang iba pang ulat sa kanilang natanggap ay bini-verfiy pa.

Facebook Comments