Kasunod ng serye ng security attacks sa mga government websites ay iginiit ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. Ang pangangailangan na maitaas ang pondong nakalaan na magpapalakas sa kakayahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Ang CICC ay isang inter-agency body na nilikha sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 para pigilan ang criminal activities na tumatarget o gumagamit ng computer, computer network, o networked device.
Ngayon taon ay ₱347.7 million ang budget ng CICC na bumaba sa ₱320.8 million para sa susunod na taon.
Giit ni Campos, hindi sapat ang nabanggit na pondo dahil aabot sa ₱3 bilyong ang kailangan ng CICC para makamit ang kailangang teknolohiya laban sa mga thrill seeker and hactivists hanggang cybercriminals and cyberterrorists.
Binanggit din ni Campos na base sa San Antonio, Texas-based business consulting firm Frost & Sullivan ay umaabot na sa ₱200-bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa cybercrime.