Nasa 25 billion pesos ang kakailanganin ng pamahalaan para sa pagbabakuna sa mga bata o menor de edad sa bansa.
Ayon kay Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, ang nabanggit na halaga ay maaaring saklawin ng P57.3 billion na inutang ng gobyerno pambili ng COVID-19 vaccines.
Paliwanag ni Lacson, kung pagbabasehan ang populasyon ng Pilipinas mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumalabas na P30.462 billion ang kakailanganin para mabakunahan ngayong taon ang 68.2 million adult Filipinos.
Malinaw ayon kay Lacson na may matitira pang P26.83 billion sa utang ng gobyerno na sobra pa para sa kailangang pondo sa pagbubukuna ng mga menor de edad sa bansa.
Binanggit din ni Lacson ang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na mayroong 68 million doses ng COVID-19 vaccines ang libreng matatanggap ng Pilipinas.