
Nagtalaga na si Pope Francis ng bagong obispo ng Diocese of Ipil sa probinsiya ng Zamboanga Sibugay.
Ito ay makalipas ang dalawang taon na pagiging bakante ng diocese.
Sa anunsiyo ng Vatican ngayong alas-6:00 ng gabi, hinirang ng Santo Papa si Monsignor Glenn Corsiga na bagong obispo ng diyosesis.
Pinalitan ni Corsiga si Archbishop Julius Tonel na itinalaga sa Archdiocese of Zamboanga.
Inordinahang pari si Corsiga noong 1994 at nagsisilbing kura paroko ng St. Augustine of Hippo Parish sa Bacong, Negros Oriental.
Noong 2011, hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang papal chaplain kaya’t binigyan ng titulong “monsignor”.
Facebook Comments