Posibleng pag-landfall ng hurricane Irma sa US, hindi pa matiyak

Amerika – Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung magla-landfall sa US mainland ang “hurricane Irma.”

Ayon sa mga forecasters – maaring pumunta kasi ang nasabing bagyo sa Florida pagdating ng weekend.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng hurricane warning ang mga lugar tulad ng Puerto Rico, Amerika, British Virgin Islands at iba pang isla sa Caribbean Sea at North Atlantic Ocean.


Si hurricane Irma na itinuturing na “halimaw” na bagyo ay nasa category 5 na ay may maximum sustained winds na 185 mph (295 kph).

Facebook Comments