POSO DAGUPAN, INIHAHANDA BILANG FIRST RESPONDERS SA MGA EMERGENCY

Sinimulan noong Miyerkules, Pebrero 4, ang Standard First Aid training para sa mga kawani ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Dagupan City upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga emergency at masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Isinagawa ang pagsasanay sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinalakay at isinagawa sa training ang tamang pangangalaga sa open wounds, paso, at wastong bandaging techniques para sa mga sugatang biktima na posibleng makatagpo ng mga personnel habang naka duty sa iba’t-ibang panig ng lungsod.

Aktibong lumahok ang mga POSO enforcers upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng agarang first aid sa mga insidente sa kalsada at iba pang emergency situations. Magpapatuloy ang nasabing pagsasanay hanggang Pebrero 6.

Facebook Comments